DAPAT TAMA by Michael V.

Michael V. (Bitoy)’s version of Dapat Tama. GMA music theme for Election 2016

DAPAT TAMA by Michael V.
Refrain:
Dahil sa dulo, bawal ang kakamot-kamot
Sa katanungnang harap-harapang iaabot
Sino’ng pinili?
`Pag ang tinta ay humalik
Sa daliring siyang ginamit at nagturo
Ang nawala ay maibalik

DAPAT TAMA!

Alam natin ang tama
Ba’t di natin ginagawa
Alang-alang sa’ting bayan,
Dapat tayong makiaalam.

Puro nalang reklamo
walang tunay na pagkilos
Laging atras-abante
Pudpod na’ng suwelas ng sapatos

Ilang beses nangako,Ilang beses napako
Ba’t di natin subukanna tulungan at umako
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
‘Pag tayo’y nagsama-sama, lahat ay malalampasan
Chorus:
DAPAT TAMA!
Sa isip at sa salita
DAPAT TAMA!
Lalong-lalo na sa gawa
Sama-sama nating itama ang mali
Nang ang bayan nati’y makabangon muli

May mas maayos na bukas para sa’ting mga anak
Unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota, `wag tayong magpauto
Nasa ‘tin ang kapangyarihan ‘pag tayo ang kumibo

Nanggigigil mong itigil ang pagsisisi sa sutil
Na nasa puwestong ‘di ka na kilala kapag sinisingil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal nang patagal
Kung ‘di tayo kumbinsido, ‘wag na nating ihalal

DAPAT TAMA!
Itama natin ang gabay, ‘wag na tayong magreklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay, ‘di tayo susuko
Malalakas na boses, sabay-sabay mangako!

REPEAT REFRAIN
REPEAT CHORUS 2X

DAPAT TAMA!!!